Dumistansiya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkomento kaugnay sa presensiya ng Chinese vessel sa Hasa-hasa Shoal kung saan sumadsad ang f rigate na BRP Gregorio Del Pilar.
Ipina-uubaya na rin ng militar sa Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa pag alok ng tulong ng China para ma extricate ang sumadsad na navy warship.
Ayon kay AFP Public Affairs Office (PAO) chief Col. Noel Detoyato, hindi na nito saklaw dahil isa na itong foreign relations issue.
Wala din pa umanong report ang AFP ukol sa Chinese vessel na rumisponde din sa lugar.
“Wala pang update nang ganyan ang navy, saka international waters na yan siya. Freedom of navigation diyan na tinatawag na ea Lanes of Communication (SLOC)
Una ng sinabi ni Detoyato sa Bombo Radyo na hindi na kailangan pa ang tulong ng ibang bansa para mahila ang sumadsad na BRP Gregorio Del Pilar.
Sinabi pa ni Detoyato, may initial assessment ng isinagawa ang mga crew ng frigate ang FF15 kasama ang mga divers ng Coast Guard vessel na MRRV 4409.
Samantala, nilinaw naman ni Philippine Navy spokesperson Commander Jonathan Zata na walang nakarating formal communication sa kanila kaugnay sa alok na tulong ng China.
Sinabi ni Zata na nuong Biyernes umalis ang kanilang assessment team at sa ngayon wala pa rin silang natatanggap na update.