CAGAYAN DE ORO CITY – Mas hinigpitan pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command ang kanilang security measures lalo na’t magtatapos ngayong araw ang implementasyon ng martial law sa Mindanao.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay AFP WestMincom spokesperson Major Arvin Encinas, inamin nitong may natatanggap silang impormasyon at ito’y subject for validation hinggil sa pag-aalinlangan ng ilang Kristiyano na lumabas sa kanilang mga bahay.
Ito ay dahil sa terror threat mula Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) at maging sa grupo ng Abu Sayyaf partikular sa Maguindanao, Lanao del Sur, Lanao del Norte at maging sa probinsya ng North Cotabato.
Sa ngayon, mas dinagdagan pa ng mga kasundaluan ang kanilang ideneploy na army check points lalo na apat na mga lugar kung saan may presensya nga ng mga threat groups.