Nakatakdang magpulong sa susunod na linggo ang PNP at AFP bago pa mapaso ang 60 na araw na pag-iral ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na mahalaga ang kanilang gagawing pagpupulong kasama ang kanilang counterpart dahil dito tatalakayin kung kailangan pa bang ipalawig ang pagpapatupad ng Batas Militar.
Sinabi ni Del Rosa na lahat ng aspeto ay kanilang tatalakayin lalo na kung hanggang kailan ang gagawing extention.
Una ng sinabi ni PNP chief na nagka-usap na sila ni AFP chief of staff Gen. Eduardo Ano kung saan kanilang napag-usapan ang posibilidad na pag extend sa Martial Law.
Pahayag ni Dela Rosa na posibleng kanilang irerekumenda sa pangulo na buong Mindanao pa rin paiiralin ang Batas Militar.
Giit ni PNP chief na halos lahat ng rehiyon sa Mindanao ay mayroong binabantayan ang PNP at AFP partikular sa region 9,10,11,12,ARMM at Caraga.
Samantala, kinumpirma ni Dela Rosa na mataas pa rin ang banta ng terorismo sa ilang mga rehiyon sa Mindanao.
Aniya, consistent pa rin ang natatanggap nilang banta partikular sa region 11 partikular ang Davao, Region 9 sa Zamboanga City, region 10 partikular ang Iligan City at Cagayan de Oro City, sa region 12 ang General Santos City, Pikit North Cotabato.
Sa Caraga region wala naman silang namomonitor pero kanilang binabantayan ang Butuan at Surigao area dahil ito yung ruta na pwedeng daanan mula Visayas at Luzon.