Kapwa nangako ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) walang mangyayaring paghihiganti o retaliation bunsod ng pagpatay ng siyam na pulis sa apat na mga sundalo sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Wesmincom commander Lt.Gen. Cirilito Sobejana, matapos ang pamamaril sa apat na sundalo, agad nitong kinausap ang mga military commanders sa Sulu para masiguro na walang paghihiganti na mangyayari.
Sinabi ni Sobejana, nangako ang mga military commanders na hindi sila gagawa ng anumang maling hakbang para maipaghiganti ang nasawing mga kasamahan.
Ang resulta ng imbestigasyon ng NBI, inaabangan ng militar ng sa gayon mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng apat na sundalo.
No comment na rin si Sobejana hinggil sa mga lumalabas na CCTV footage na kumakalat sa social media na may kaugnayan sa Jolo shooting.
Una nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP na huwag nang ituloy anumang planong paghihiganti.
Noong Biyernes, kapwa parehong kinausap ng Pangulo ang AFP at PNP commanders nang magtungo ito sa Zamboanga City.