Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na wala ng bisa ngayon ang tinatawag na Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).
Ito’y matapos tuldukan na ng gobyerno ang usaping pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay PNP chief PDGen.Oscar Albayalde, ang pag-aresto kay Vicente Ladlad sa kaniyang safehouse kaninang madaling araw ay bunsod sa intelligence information na ibinigay ng ilang mga tipster sa PNP at AFP.
Sinabi ni Albayalde may nilabag na batas si Ladlad at existing ang warrant of arrest kaya dapat lamang maaresto.
Si Ladlad ay nahulihan ng mga matataas na kalibre ng armas, mga explosives, bala at mga mahahalagang dokumento.
Pahayag ni PNP chief kanila na rin inasahan na sila ay pagbintangan na nagtatanim ng mga ebidensiya.
Tiniyak ni Albayalde kailanman hindi ito gagawin ng pulisya at militar.
Si Ladlad ang ikatlo sa 16 na NDF consultants na naaresto ng mga otoridad matapos mag collapse ang peace talks nuong nakaraang taon.
Unang inaresto si Rafael Baylosis at Adel Silva.
Asahan na rin ang pag aresto sa mga susunod na araw ng iba pang consultants.
Sa kabilang dako, ayon naman kay AFP Chief of Staff General Carlito Galvez, out of delicadeza na lamang sana ay sumuko ang mga pinalayang NDF consultants ngayong kanselado na ang peacetalks.
Sinabi ni Galvez na sangkot si Ladladsa multiple murder cases kabilang ang Inopacan Leyte, Massacre noong 2006.
Pinuri naman ni Galvez ang mga sundalo at pulis sa pagkaka-aresto sa mga wanted na lider at miyembro ng CPP-NPA.
Panawagan ni Galvez sa komunistang grupo na huwag gawing excuse ang JASIG dahil ang mga consultants na pansamantalang pinalaya ay may mga kaso at warrant of arrest.