Respetuhin ng AFP at PNP ang desisyon ng US sakaling itigil na ng Amerika ang kanilang security assistance sa Pilipinas.
Ayon kay AFP Spokesperson MGen Edgard Arevalo wala naman silang magagawa kung hindi na magbibigay tulong ang Amerika.
Wala namang problema sa AFP kung may panukala ang US congress na itigil ang security assistance ng Amerika sa Pilipinas.
Pero umalma si Arevalo sa paratang na lumalabag sila sa karapatang pantao.
Giit ni Arevalo dapat patunayan muna ng United States House of Representatives ang kanilang alegasyon laban sa PNP at AFP.
Ipinagmamalaki ng AFP na wala silang record sa human rights violations, patuloy na sumusunod sa bill of rights ang mga sundalo.
Sinabi ni Arevalo hindi patas para sa kanila ang mga pahayag ng US house of representatives.
Batay sa report 24 members ng US congress ang pumabor na isuspendi ang security assitance sa Pilipinas dahil umano sa mga paglabag kasama na dito ang human rights violation ng AFP.
Sa ngayon, dahil sa pandemic wala munang joint military exercises na isinagawa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika subalit patuloy ang koordinasyon ng dalawang military forces.
Samantala, nagpapasalamat naman ang Philippine National Police sa tulong na ibinigay ng kanilang US counterpart.
Naniniwala ang PNP na malaki ang naging ambag ng pagsasabatas ng Anti-Terrorist Law para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas.
Ayon kay PNP Spokesman Col. Ysmael Yu, bagama’t nais nilang dumistansya sa usaping balak itigil ng US ang security assistance sa PNP at AFP.
Sinabi ni Yu na ang mga natatanggap nilang tulong ay malugod naman nilang tinatanggap bilang bahagi ng pakikipag-isa ng mga bansa.
Dagdag pa ni Yu na hindi pa rin nahuhuli ang bansa dahil maraming pagkakataon nang nalalagay sa takot at pag-aalala ang buhay ng mga Pilipino.