Kanselado ngayon ang bakasyon ng mga sundalo at pulis ngayong holiday season, ito ay dahil sa mas pina-igting na kampanya ng pamahalaan laban sa CPP-NPA at sa iba pang mga local terrorist groups.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na wala munang bakasyon ang mga tropa ng militar ngayong Kapaskuhan, ito ay para matututukan ang opensiba laban sa NPA na tinawag na ngayong terorista batay sa inilabas na proclamation ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ni Lorenzana na magpapatuloy din ang opensiba laban sa teroristang Abu Sayyaf (ASG), Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pang mga local threat groups.
Dagdag pa ni Lorenzana na target din ng kanilang operasyon ang mga NDF consultants at mga lider ng CPP-NPA.
Habang sa panig naman ng PNP naka-duty lahat ng mga pulis sa Christmas at New Years eve.
Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. Dionardo Carlos na obligado ang lahat ng mga police personnel na mag report sa pinaka malapit na police station sa kanilang mga lugar.
Sinabi ni Carlos, nasa full alert ngayon ang PNP kasunod ng mga ginagawang pag atake ng CPP-NPA.