Nangangailangan umano ng kabuuang US$1.2-trilyon (katumbas ng P58-trilyon) ang Africa upang makabawi sa epekto ng coronavirus pandemic sa kanilang ekonomiya at health costs.
Ayon kay International Monetary Fund (IMF) chief Kristalina Georgieva, marami pang kailangang gawin ang buong mundo upang suportahan ang Africa sa kanilang pagrekober mula sa krisis.
Kung ihahambing sa ibang mga kontinente, mas mababa ang bilang ng mga kaso at mga nasawi sa Africa dahil sa deadly virys.
Ngunit sinabi ng World Bank na nasa 43-milyong Africans ang nanganganib na maghirap nang lubos dahil sa resulta ng pandemya.
Binago ng economic impact ng health crisis ang trend ng malakas na paglago sa Africa, dahil sa mga nawalan ng trabaho at nabawasan ng 12% ang family income.
Una nang nagbigay ng nasa $26-bilyon ang IMF sa mga bansa sa Africa upang makatulong na labanan ang epekto ng krisis, ngunit malaki pa rin ang kulang sa pondo kahit na umayuda na rin ang mga private lenders at ibang mga bansa.
“Some countries are confronting high debt burdens forcing them to choose between debt service and additional social and health spending,” anang IMF chief.
Sa pinakahuling datos, nasa 1.5-milyon na ang confirmed coronavirus cases sa Africa at nasa halos 37,000 katao na ang namatay. (BBC)