Idineklara na ng Africa Centres for Disease Control and Prevention (Africa CDC) ang monkey pox bilang bilang public health emergency sa Africa.
Ayon sa grupo na nababahala sila dahil sa mabilis itong kumalat.
Mula kasi noong Enero ay mahigit 13,700 na ang kanilang naitalang kaso kung saan mayroong 450 na ang nasawi sa Democratic Republic of Congo.
Kumalat na rin ang nasabing virus sa maraming bansa sa Africa gaya sa Kenya, Rwanda, Burundi at Central African Republic.
Nagbabala si Africa CDC head Jean Kaseya na kapag hindi ito nabigyan ng agarang pansin ay mahihirapan na silang makontrol.
Dahil sa pagdeklara ng public health emergency ay matutulungan na ang mga gobyerno na makipag-coordinate sa kanilang pagresponde at madagdagan ang pagdaloy ng suplay ng gamot.