Nagbabala ang health agency ng Africa na magdudulot ng hindi na pagpapabakuna ang ipinapatupad na polisiya ng United Kingdom (UK) sa hindi pagtanggap ng COVID-19 vaccine certificates nila.
Ayon kay Dr John Nkegasong, Africa Centres for Disease Control and Prevention (Africa CDC) chief, na nakakalito ang batas na ito ng UK at pahirap sa kanilang vaccination campaign.
Itinuturing nito na ang polisya ng UK bilang discriminatory.
Dahil dito ay maraming mga Africans ang kumukuwestiyon tuloy kung bakit kailangan pa nilang magpabakuna kung hindi naman ito kinikilala sa ibang bansa.
Iminungkahi naman ni Dr Richard Mihigo, mula sa African region ng World Health Organization (WHO), na dapat magkaroon ng kasunduan ang mga bansa na isang sistema na kumikilala sa mga vaccine certificates mula sa iba’t-ibang bansa.