-- Advertisements --
Sasampahan na ng kasong swindling ang dayuhang dawit sa investment scam sa Makati City.
Base sa salaysay ng biktimang si alyas Dan, nakilala niya ang suspek noon pang nakaraang taon ang suspek dahil nai-refer ito ng kaniyang kaibigang Jamaican at inalok siyang mag-invest ng pera sa kanila.
Nasa $5 million umano ang hawak ng suspek na mula Africa at kailangan lang maiproseso.
Para mapakinabangan ang dolyar, kailangan daw mag-invest ni Dale ng pambili ng kemikal.
Tumanggi namang magbigay ng pahayang suspek nang tanungin ng mga mamamahayag.
Pinaghahanap na rin ng mga otoridad ang kaniyang kasabwat sa scam na pinaniniwalaang ilan sa mga ito ay Filipino rin.