-- Advertisements --

La Union – Nagsagawa ng African Swine Fever (ASF) Awareness Seminar ang lokal na pamahalaan ng Bacnotan, La Union at isang trading corporation.

Layunin ng aktibidad na pigilan ang industriya ng baboy ng Bacnotan na magkaroon ng ASF, matapos magpositibo sa naturang sakit ang mga bayan ng Aringay at San Fernando City, La Union.

Ang aktibidad ay ginanap sa Barangay Ubbog Farmers’ Hall at dinaluhan ito ng mga miyembro ng Bacnotan Hog ​​​​Raisers Association mula sa Barangay Paagan, Ubbog, Carcarmay, Nagatiran at Ballogo.

Hinimok ni Vice Mayor Francis Fontanilla ang mga kalahok na aktibong lumahok sa semimar upang mapanatili ang kanilang bayan na ASF-Free.

Binigyang-diin din ni Dra.Divina Apigo, Municipal Agriculturist, ang kahalagahan ng biosecurity upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga hayop.

Tuloy-tuloy naman ang seminar para sa iba pang cluster ng bayan sa oras na aalamin ng Municipal Agriculture Office.