-- Advertisements --

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry na may outbreak na sa African Swine Fever (ASF) sa Cebu.

Ito’y matapos na ang 58 sa 149 blood samples ng mga baboy sa isang slaughter house sa Carcar City, Cebu ang nagpositibo sa ASF.

Inihayag naman ni Dr. Mary Anne Gabona, ang City Veterinarian ng Carcar City, na ang nasabing mga blood samples ay isinumiti nila noong buwan ng Pebrero.

Aniya, ASF free naman ang lungsod sa loob ng dalawang taon.

Dagdag pa nito na karamihan sa mga kinatay na baboy ay galing sa iba’t ibang lugar.

Sa ngayon ay, nagsagawa na sila ng mas malalimang imbestigasyon kung saan nanggaling ang mga contaminated na mga baboy.

Kung maalala, isang ASF free ang lalawigan ng Cebu dahil na rin sa mahigpit na mga executive orders ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia na nag-ban sa pagpasok ng mga produktong baboy galing sa Luzon at iba pang probinsiya upang maproteksyonan ang P11-billion hog industry ng lalawigan.