-- Advertisements --

Sinuspendi ng African Union ang membership ng Sudan dahil sa nangyaring kaguluhan na ikinasawi ng ilang katao.

Binalaan din nila ito na mahaharap ng mabigat na parusa ang Sudan kapag hindi nailipat sa civilian authority ang pamumuno.

Ayon pa sa AU na epektibo agad ang nasabing suspension na pinagbabawalang makilahok ang Sudan sa anumang aktibidad ng AU.

Ibinaba ang desisyon matapos magkaisa ang mga miyembro sa isinagawang pagpupulong sa Addis Ababa.

Umabot na sa 108 katao ang patay sa isinagawang crackdown ng paramilitary group sa mga aktibista.