Bagama’t halos isang dekada na ang nakakaraan, tila hindi na mababaon ni Albie Casiño sa limot ang pagdawit sa kanya ni Andi Eigenmann noong magdalang-tao sa edad na 21.
Sa isang panayam, malalim pa rin ang hugot ng ngayo’y 28-year-old actor sa pagsasabing
nawalan siya ng milyong-milyong halaga ng proyekto noong ipaako ni Eigenmann ang kanyang ipinagbubuntis.
Ayon kay Albie, malaking bahagi ng kanyang buhay ang naapektuhan sa isyu kung saan naglaho ang kanyang mga pangarap para sa pamilya matapos mawalan ng proyekto at endorsements.
Ito aniya ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang patawarin ang dating girlfriend.
“How about I lost a lot of millions of pesos worth of projects and endorsements from that? And it wasn’t just a P100,000, bro. It’s a million pesos worth of, I guess, damages,” saad ni Casino
“That’s literally money they put out of my bank account. That’s money that could have changed my family’s life. Money that could have changed my life, right? So how can I be okay with them? Why would I be okay with them?” dagdag pa nito.
Kung maaalala, kinalaunan ay napag-alaman na ang ex-boyfriend ni Andi na si Jake Ejercito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis sa pamamagitan ng DNA test.
Una na ring inalmahan ni Casino ang naging pahayag ng anak ni Jaclyn Jose na nag-sorry na raw ito sa kanya matapos akusahan na siya ay inabandona.
Sa ngayon ay tatlo na ang anak ni Andi kung saan ang dalawa ay mula sa surfer at husband to be niya na si Philmar Alipayo.