Bumagsak na sa kamay ng mga otoridad ang pinaniniwalaang pinuno ng isa sa pinakamalaking drug gang sa buong mundo.
Kinilala ang naaresto na na si Tse Chi Lop, 56-anyos na isang Chinese-born Canadian national.
Nadakip si Tse sa Schiphol airport ng Amsterdam alinsunod sa warrant na inilabas ng Australia.
Batay sa impormasyon, pinuno siya ng The Company, na taglay ang $70bn illegal drugs market sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Naniniwala rin ang Australian Federal Police na ang Sam Gor Syndicate ni Tse ang nasa likod ng pagpasok ng nasa 70% ng illegal drugs sa kanilang bansa.
Sa ngayon ay target ng Australia na mag-extradite si Tse upang sa kanilang bansa litisin ang kinakaharap na kaso.
Nabatid na ikinokompara si Tse sa Mexican drug lord na si Joaquin “El Chapo” Guzman dahil sa lumalaki nitong grupo ng sindikato.
Halos 10 taon na umanong tinutugis ng Australian police si Tse bago matagumpay na nahuli. (BBC / businesspostbd photo)