-- Advertisements --
TACLOBAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang rank 5 most wanted person sa Catarman, Northern Samar, matapos na mahuli sa manhunt operation ng kapulisan sa Barangay Gebalagnan.
Kinilala ang suspek na si Rey Legria Ong, 43-anyos na magsasaka at nakatira sa Barangay Cervantes ng nasabing bayan.
Ayon kay Pol. Maj. Eddie Esidera, hepe ng Catarman Police Station, dinakip ang suspek dahil sa tatlong bilang ng kasong rape at walang inirekomendang pyansa
Napag-alaman na 12 taon nang nagtatago sa mga otoridad ang suspek na ngayon ay nasa kustodiya na ng Catarman Municipal Police Station.