-- Advertisements --

Nakabalik na sa Pilipinas si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Ito’y dalawang buwan matapos ang biglaang bakasyon nila ng Venezuelan businessman boyfriend na si Jeremy Jauncey sa North African country na Morocco kung saan nila sinalubong ang 2021.

Nabatid na sa United Kingdom sana bibisita sina Wurtzbach sa kanyang pamilya ngunit nag-iba ang plano dahil sa sitwasyon ng coronavirus doon.

Gayunman, “at home” o komportable pa rin naman aniya sa Morocco ang 31-year-old half German beauty na tubong Cagayan de Oro sa kabila ng 7 hour time difference sa Pilipinas.

PWurtzbach with BF
Not to force travel on anyone at this time but when you’re ready and comfortable to do so, consider Morocco as your next out of country destination. First of all theres no visa requirement for Filipinos and Moroccans are really so warm & welcoming. ❤ @elfennmarrakech was a breathtaking riad to stay in. I consider myself a very lucky girl for calling this place my home. 🙂
See you again soon ❤

Sa ngayon ay mis na raw agad ng pangatlong Pinay Miss Universe pero susunod pauwi sa bansa si Jauncey de pende sa magiging travel conditions sa gitna ng pandemya.

“Philippines! I’m going back home and he’s gonna follow as soon as we’re ready to welcome foreigners or if he fixes his visa or permit. Whichever happens first hehe,” ani Wurtzbach.

Una nang naiulat ni Pia na nasa plano nilang magkasintahan ang pagpapakasal at pagkakaroon ng mga tsikiting pero masyado pang maaga para isapinal.

PWurtzbach naughty

Napag-usapan na aniya nila ito kahit noong bago pa lamang ang kanilang relasyon, upang matiyak kung tugma ang kanilang future plans.

“It’s the same as asking: Kelan kayo magkakaanak? Di ba, parang: Why? Do you think we’re not trying?” dagdag nito sa kinabibilangan niyang podcast.

Disyembre noong nakaraang taon nang lumutang ang isyung engaged at buntis na si Wurtzbach dahil sa pag-countdown ni Jauncey sa isang malaking rebelasyon.

Ang 34-years-old na si Jauncey ay lumaki sa Scotland at Chief Executive Officer ng isang multi-platform travel content brand.