-- Advertisements --

Umaasa ang Golden State Warriors na makakalaro na rin simula sa Lunes ang isa sa itinuturing na “greatest shooter” sa NBA na si Klay Thompson.

Kung maalala inabot din ng dalawang taon si Thompson sa pagpapagaling mula sa maselang injury o ACL torn na nangyari sa Game 6 ng 2019 NBA Finals na sinundan naman ng Achilles tear sa kanyang kanang paa.

Kung matuloy ang kanyang pagbabalik, makakaharap ng team ang Cleveland Cavaliers.

KLAY 2


Inaasahang magsasagawa ng final decision ang koponan sa darating na Biyernes kung matutuloy na sa kanyang debut game si Thompson.

Ang 31-anyos na si Thompson na binansagan din na “Splash Brothers” kasama si Stephen Curry ay dahil sa pamatay nilang three-points, ay isa ring five-time All-Star at three-time NBA champion.

Labis naman ang excitement ng Warriors sa napipintong pagbabalik ni Thompson na agad umanong ilalagay sa starting lineup ng team.