-- Advertisements --

Pasok na ang England sa semi-finals sa European Championships sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 25 years matapos matalo ang Ukraine sa score na 4-0 July 3, 2021.

Ikatlong pagkakataon ito ng England na manalo ng knockout match sa Euros pero ang pag-goal nito sa simula ay nakatulong upang pakalmahin ang potential na laro ng England.

Tatlong taon na ang makalipas ng makapasok ang England sa World Cup semi-finals pero natalo ito ng Croatia sa score 2-0 at nang 2019 natalo rin ito sa Netherlands sa UEFA’s Nations League Tournament. Ang huling pasok pa nila sa Final na Major International tournament ay taong 1966.

Makakalaban nito ang Denmark, kung saan nakatalo sa Czeck Republic umaga ng July 3.

Ang Southgate’s Team ng England ay magkakaroon ng Home Advantage sa July 7, 2021 na gaganapin sa London’s Wembley Stadium.