-- Advertisements --

Naitala ng New Zealand ang kauna-unahan nilang death case sa loob ng mahigit tatlong buwan.

Ayon sa health ministry, ang biktima ay may edad na 50 at nauugnay sa August Auckland cluster.

Huling nag-ulat ng death case ang New Zealand noon pang Mayo 28.

Sa ngayon, umakyat na sa 23 ang death toll ng bansa sa COVID-19.

“It’s with a very heavy heart we acknowledge that COVID-19 has taken the life of someone in our community. Our thoughts are with this person’s family and whānau,” saad sa tweet ng NZ government.

Inanunsyo naman ni Prime Minister Jacinda Ardern na mananatiling nasa Alert Level 2 ang kanilang bansa hanggang Setyembre 16 upang mabawasan ang panganib na dulot ng virus.

“There’s still a chance of spread outside of Auckland. If that does happen. Level Two ceilings lessen the impact of any spread. That means we avoid further fall out,” wika ni Ardern.

Sa ilalim ng Alert Level 2, obligado ang mga mamamayan na magsuot ng face mask sa pampublikong transportasyon at hindi papayagan ang pagtitipon ng mahigit 100 katao sa isang lugar. (CNN)