-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Labis ang pasasalamat ng isang ginang sa pamahalaan dahil sa muli nilang pagkikita ng kanyang kapatid matapos ang halos 40 taon.

Nitong nakalipas na araw nang sumuko sa pamahalaan si Loreto Ventura alyas Nestor, 79-anyos na bomb expert at dating miembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley New People’s Army (NPA).

Ayon kay Ginang Monica Ventura, kapatid ni Loreto, 1983 nang umalis ang kapatid sa kanilang tahanan sa Ilocos Norte at nagtungo sa probinsiya ng Cagayan.

Mula noon ay wala na silang nakuhang impormasyon sa kapatid kaya ang buong akala nila ay patay na ito.

Dahil dito, hindi maipaliwanag ni Monica ang kanyang naramdaman nang ipagbigay alam ng militar na buhay ang kanyang kapatid lalo na nang kanyang makita ito.

Samantala, nakuha kay Loreto ang iba’t ibang uri ng baril at ilang pampasabog.

Kaugnay nito, inaayos na ng pamahalaan ang maipagkakaloob na tulong pinansyal sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-Clip).