-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Nasa kustodiya na ng Sto. Niño, Cagayan-Philippine National Police (PNP), ang isang lolo na inaresto sa Makati City dahil sa kasong rape.
Sinabi ni Police Captain Ranulfo Gabatin, hepe ng PNP-Sto.Niño, na agad silang nagtungo sa Makati City nang malaman nila na nagtatrabaho doon si Antonio Daquiaog Sr., matapos silang makipag-ugnayan sa Southern Police District.
Ayon kay Gabatin, ginawa ng akusado ang krimen noong 2013 kung saan ang kanyang naging biktima umano ay ang mismong pamangkin na noon ay pitong taong gulang pa lamang.