-- Advertisements --
Joe Biden VP

Matapos ang pitong dekada nakuha ng Democrats ang Arizona na siyang naging stronghold dati ng Republicans.

Nasungkit kasi ni presumptive US President Joe Biden ang 11 electoral votes mula sa nasabing estado.

Si Biden ang pangawalang Democrat na nanalo sa Arizona mula taong 1948 maliban kay Harry Truman.

Marami ang naniniwala na ang paglipat ng Arizona sa Democrat ay may kaugnayan sa pagpabaya ni US President Donald Trump sa paghawak sa pagresolba sa pandemya sa kanilang bansa.

Sa kasalukuyan, si Biden ay nakakuha na ng 290 electoral votes habang 217 electoral votes naman ang kay Trump. (with report from Bombo Jane Buna)