Tulad nang inaasahan kakaibang salubong ang bumungad sa mga turista sa pagbubukas ng Louvre museum sa Paris, France.
Bago pumasok kailangan kasi na nakasuot ng face mask ang mga ito.
Ipinapatupad din ang one-way system sa loob ng museum, gayundin ang paglimita sa mga pumapasok.
Ang mga tumutingin naman sa pinakasikat na Leonardo Da Vinci Mona Lisa painting ay dapat ding obserbahan ang physical distancing.
Bago ito pansamantalang ipinasara ang museum simula noong March 13.
Sinasabing umaabot na rin sa $45 million ang nalugi.
Tinatayang nasa 10 million kada taon na mga turista ang bumibisita sa lugar na tinaguriang “world’s most visited museum.”
Samantala ang France ngayon ay nasa ika-17 pwesto na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umaabot na sa 168,335 habang ang death toll naman ay nasa 29,920.