GENERAL SANTOS CITY – Naramdaman ang intensity III na pagyanig sa General Santos City kasabay ng magnitude 5.0 na lindol na tumama naman sa Tulunan, Cotabato nitong umaga.
Naramdaman din ito sa Alabel, Sarangani province at Tupi, South Cotabato na ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ito bandang alas-6:52 nitong umaga sa south east ng Tulunan ang sentro.
May lalim itong 27 kilometro at tectonic ang dahilan ng pagyanig.
Naitala rin naman ang intensity IV sa Kidapawan City, intensity IV sa Malungon, Sarangani; Koronadal City, South Cotabato at intensity I sa Kiamba, Sarangani.
Inaasahan naman ang aftershocks.
Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad kung may mga pinsala sa ari-arian o nasugatan dahil sa naturang aftershock.
Nagpaabot din nang pangamba ang mga magulang sa sitwasyon ng kanilang anak na may klase nitong araw ng Sabado dahil sa pagpapatuloy ng exam sa elementarya at senior high school.
Nito araw naman ay magpapatuloy ang assesment ng Bureau of Fire Protection-GenSan sa sunog na nangyari sa Gaisano Mall lalong lalo na sa building nito kung maaari pa bang gamitin.