KORONADAL CITY- Umabot na sa mahigit 700 ang naitalang aftershocks kasunod ng Magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao.
Ito ang kinumpirma ni OCD 12 Assistant Regional Director Jerome Barranco sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Barranco ang nasabing datos ang base sa ipinaabot ng PHIVOLCS 12 tanghali ng Lunes.
Posible pa umanong tumaas ang numero ng mga aftershocks dahilan upang dapat na maging alerto ang lahat at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon dahil magdudulot lamang ito ng panic sa publiko.
Samantala, ayon naman kay PDRMMO South Cotabato Operations and Warning Chief Rolly DoaneAquino, halos 30 katao na nasa loob ng mall ang hinimatay kagabi dahil sa naitalang Mag 5 na aftershocks.
Maliban dito, may naitalang din sugatan na babae matapos na tumalon sa esclator matapos maramdaman ang pagyanig.
Sa ngayon, pinaigting pa ng PDRMMO ang pagsasagawa ng earthquake drill upang maiwasan ang naturang insidente tuwing may lindol.