-- Advertisements --

Pumapalo na sa 3,826 ang mga aftershocks na naitala sa Caraga Region, mula sa 7.4 magnitude offshore earthquake sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa naturang bilang, 827 ang na-detect ng dalawa o higit pang monitoring device ng Phivolcs.

Habang 50 naman sa mga ito ang actual na naramdaman ng mga residente.

Naglalaro ang lakas ng aftershocks mula sa magnitude 1.3 hanggang magnitude 6.6.

Natukoy ang mga pagyanig sa pamamagitan ng Bislig City Station sa naturang probinsya.

Inaasahang magtatagal pa ang mga pagyanig hanggang sa susunod na taon.