-- Advertisements --

Umakyat na sa 3,148 ang bilang ng aftershocks sa nangyaring 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Mula sa naturang bilang, 604 sa mga ito ay plotted ng mahigit sa isang equipment ng Phivolcs.

Nasa 35 naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.

Naglalaro ang mga ito sa lakas na 1.4 hanggang 6.6 magnitude.

Na-detect ang main quake at aftershocks sa pamamagitan ng Bislig City Station ng Phivolcs.