-- Advertisements --
6.3 magnitude

Umakyat na sa 99 ang naitalang aftershocks mula sa magnitude 6.3 na naitalang lindol sa lalawigan ng Cagayan.

Matatandaang naramdaman kagabi ang malakas na lindol sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan.

Sa halos 100 sumunod na mga pagyanig, nasa 18 sa mga ito ang na-detect sa pamamagitan ng dalawa o higit pang bilang ng Phivolcs monitoring device.

May lakas na 1.5 hanggang 3.7 magnitude ang mga aftershocks at tectonic ang pinagmulan.

Natukoy naman ang lalim nito na umaabot sa walo hanggang 29 na kilometro.