-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit anim na libo ang naitalang aftershocks ng Phivolcs kaugnay sa magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan sa probinsya ng Surigao del sur.
sur.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC nanatiling nasa 829 na pamilya o katumbas ng 3,310 na indibibwal ang nasa pitong evacuation centers habang may dalawampu’t pitong pamilya o walongput anim na indibidwal ang nasa labas evacuation centers.

Naitala rinmay nangyari ring paguho ng lupa dahil sa lindol.

Kaugnay nito nasa labing dalawa ang kumpirmadong nasaktan habang nasa tatlo naman ang napaulat na namatay pero patuloy pa rin na iniimbestigahan kung may kinalaman ito sa lindol.

Nauna rito, tumama ang magnitude 7.4 na lindol dito noong Disyembre 2 at sinundan ng magnitude 6.8 sa Cagwait, sa naturang probinsya noong Disyembre 4.