-- Advertisements --
Digos City Earthquake
Digos City Earthquake

CENTRAL MINDANAO – Nagdulot ng sobrang takot sa mga residente sa probinsya ng Cotabato ang araw-araw at gabi-gabing aftershocks nang lindol.

Tatagal pa umano ng anim na buwan ang mga aftershock na nararanasan kasunod ng 6.3 magnitude na lindol na sentrong tumama sa Tulunan North Cotabato noong nakaraang linggo.

Ito naman ang kinumpirma ni Phivolcs Kidapawan chief, Engr. Hermes Daquipa.

Pinabulaanan din ni Daquipa ang usap-usapan na posibleng yanigin ng magnitude 8 ang probinsya ng Cotabato, dahil sa ito ay fake news at walang katotohanan.

Hanggang ngayon ay wala pang kagamitan ang Phivolcs para mahulaan ang paparating na lindol.

Narito ang mga nararapat gawin tuwing may nararanasang paglindol:

  1. Huwag magpanik.
  2. Magtago sa ilalim ng matibay na lamesa/kama.
  3. Kung walang pwedeng silungan, takpan ang mukha at ulo.
  4. Kung nasa loob ng isang matibay na gusali, manatili sa loob kaysa makipagsabayan, maiipit ka pa.
  5. Kung nasa labas, pumunta sa isang ligtas at bukas na lugar.
  6. Lumayo sa mga poste ng kuryente, pader at iba pang istraktura na maaaring bumagsak o matumba.

7.Huwag tumabi sa mga glass windows, mga cabinet at iba pang appliances na natutumba at mga mabibigat na bagay.

  1. Kapag nagda-drive, huminto at tumabi. Huwag magtangkang tumawid sa tulay or overpass at baka bumigay yun habang tumatawid.
  2. Kapag malapit ka sa dagat, umalis kaagad at pumunta sa mataas na lugar. At higit sa lahat;
  3. MAGDASAL.