-- Advertisements --
image 131

Pumapalo na sa 952 ang mga naitalang aftershocks sa Davao region mula nitong Marso 6, 2023.

Nasa 146 sa mga ito ay plotted o nai-record sa pamamagitan ng dalawa o higit pang bilang nga pasilidad na ginagamit ng Phivolcs.

Umaabot naman sa 18 ang naramdaman ng mga residente, lalo na sa Davao de Oro.

Pinaka malakas sa mga ito ay umabot sa magnitude 5.9 na naitala kahapon.

Pangalawa ang magnitude 5.6 at pangatlo naman ang magnitude 5.3.

Sa pagtaya ng mga eksperto, maaari pang magpatuloy ang aftershocks hanggang sa mga susunod na linggo.