-- Advertisements --

Nagmadali ang mga residente na maghanap ng mga survivor sa mga guhong gusali nitong araw ng Linggo, habang patuloy ang mga nararanasang aftershock na yumanig sa lungsod ng Mandalay, dalawang araw matapos ang isang malakas na lindol na ikinamatay ng higit sa 1,600 katao sa Myanmar.

Naramdaman ang 7.7 magnitude malapit sa lungsod ng Mandalay sa Myanmar noong Biyernes ng hapon, Marso 28 at sinundan ng isang 6.7 magnitude na aftershock ilang minuto lamang matapos ang malakas na lindol.

Dahil dito humingi naman ng tulong si Junta chief Min Aung Hlaing noong Biyernes, sa iba’t-ibang mga bansa para sa mabilis na pagbangon ng bansa.

Ngunit ipinagwalang-bahala naman ito ng military governments kahit pa humaharap sa malaking dagok ng kalamidad.

Samantala sa kabilang dako, ang Thailand ay nagsagawa rin ng mga operasyon sa Bangkok ngayong Linggo upang masagip ang mga survivor na na-trap sa loob ng isang 30-story na skyscraper na gumuho matapos malakas na lindol.

Ayon sa mga awtoridad sa Thailand, umabot na sa 17 katao ang nasawi at 32 sa mga ito ang sugatan habang 83 pa ang nawawala.

Karamihan sa mga nasawi ay mga manggagawa na namatay sa pag-guho ng tower, habang ang mga nawawala naman pinaniniwalaang na-trap sa ilalim ng gusali.