Tumulak na ngayong umaga ang team ng Phivolcs patungo sa Davao del Sur, para suriin ang panibagong major earthquake na tumama sa Mindanao.
Ayon kay Seismologist Rommel Grutas, ito na ang ikalimang lindol sa nasabing rehiyon na pumalo ng mahigit sa magnitude 6.
Unang tinamaan ng 6.3 magnitude ang Cotabato noong Oktubre 16, 2019.
Nasundan ito ng magnitude 6.6 at 6.1 noong Oktubre 29, 2019.
Ang pang-apat ay noong Oktubre 31, 2019 na may lakas na 6.5 magnitude at panglima naman kahapon ng hapon na umabot sa magnitude 6.9.
Paliwanag ni Grutas, hiwalay na fault system ito kumpara sa mga naunang malakas na lindol at maaaring magtagal pa hanggang 2020 ang aftershocks.
Sa ngayon, mahigit 600 aftershocks na ang naitala sa Davao region at mga karatig na lugar dahil sa latest major earthquake.