-- Advertisements --
Pumalo na sa halos 4,000 aftershocks ang naitala sa Southern California, matapos ang 6.4 magnitude at 7.1 magnitude na lindol noong nakaraang linggo.
Ayon sa USGS, maaaring magtagal pa ang patuloy na pagyanig hanggang sa susunod na buwan, kaya pinag-iingat ang publiko, lalo na sa mga lugar na nakapagtala na ng bitak.
Isa sa malakas na aftershock ay umabot ng magnitude 5.5, kaya marami pa rin ang nagpa-panic.
Marami naman ang nagrereklamo sa kakulangan ng mga abiso at updates mula sa government agencies ng Estados Unidos kaugnay ng malalakas na lindol.