-- Advertisements --
Iniulat ngayon ni Phivolcs Associate Scientist Dr. Teresito Bacolcol na umakyat na sa 400 ang bilang ng naitala nilang aftershocks, matapos ang 6.3 magnitude na lindol sa North Cotabato.
Batay sa monitoring ng Phivolcs, karamihan sa sumunod na pagyanig ay hindi na halos maramdaman, ngunit may ilang pumapalo pa rin ng magnitude 3 at 4.
Nilinaw naman ni Bacolcol na ang recorded 5.2 magnitude kahapon sa Davao Oriental ay hindi aftershock ng 6.3 magnitude quake, kundi ito ay hiwalay umanong lindol.
Kung ang lindol sa Cotabato aniya ay dahil sa local fault line, ang pagyanig naman sa Davao ay resulta ng paggalaw ng Philippine Trench.
Inaasahang tatagal pa ang mahihinang aftershocks hanggang sa mga susunod na linggo.