-- Advertisements --
DOST Phivolcs, front (Diliman, Quezon City)(2019 04 29)

Sumampa na sa 113 ang bilang ng mga naranasang aftershocks sa Davao Occidental at mga karatig na lalawigan.

Matatandaang niyanig ng 6.8 magnitude na lindol ang malaking parte ng Mindanao noong nakaraang linggo, kung saan siyam na ang kumpirmadong nasawi, ayon sa NDRRMC.

Sa bilang na 113, nasa 70 sa mga pagyanig na ito ay plotted o na-detect ng mahigit sa dalawang machine ng Phivolcs.
Habang anim naman ang naramdaman ng mga residente.

Ang mga kasunod na lindol ay naglalaro sa pagitan ng 1.4 hanggang 4.9 magnitude.

Babala ng mga otoridad, posible pang masundan ang mga pagyanig na ito hanggang sa mga susunod na linggo.

TopMakatinewsPosts:18443Joined: Wed May 09, 2012 7:01 amContact:

Contact Makatinews