-- Advertisements --

Ramdam pa rin hanggang ngayong Linggo ang aftershocks ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa Luzon noong Lunes, Abril 22.

Ayon sa 6 a.m. situational report ngayong araw ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 828 aftershocks na ang naitala kung saan 10 rito ang naramdaman.

Ang mga aftershocks na ito ay may lakas na umaabot mula magnitude 1.4 hanggang 4.5 na lindol, at may Intensity mula I hanggang III.

Umabot sa 18 katao ang nasawi habang 243 ang sugatan sa naturang malakas na lindol na ang epicenter ay sa Castillejos, Zambales.

Nasa limang kato naman ang patuloy na pinaghahanap pa rin sa Region III.

Ayon sa NDRRMC, 3,632 pamilya o 17,410 indibidwal ang apektado sa 41 barangay sa Region III.