Wala pa ring detalye na inilalabas ang pamilya kaugnay sa gagawing lamay at burol ng beteranang aktres na si Ms. Amalia Fuentes.
Una nang pumanaw kaninang madaling araw ang tinagurian noon na “Elizabeth Taylor of the Philippines,” sa edad na 79-anyos habang naka-confine sa St. Lukes Medical Center sa Taguig City dahil sa multiple organ failure.
Ilang mga fans ang nag-aabang kung saan ibuburol ang dating aktres at ang araw ng libing nito.
Samantala, usap-usapan naman sa mga fans ang mensahe ng isa sa pamangkin ni Amalia na si Aga Mulach na nagbigay pugay sa social media post.
Ayon kay Aga, ang kanyang tita ang nagbigay daan sa pagpasok nila sa pelikula.
Malaking bagay din daw ang naibigay nitong inspirasyon sa kanya na itinuring pa siyang isang tunay na anak.
Nagbalik tanaw din si Muhlach sa samahan nila noong siya ay bata pa.
Sa ngayon aniya ay masaya na ang kanyang tita at kasama na ito sa tabi ng Poong Maykapal ang kanyang mga magulang at ang anak ni Amalia na si Liezl, ang namatay noon na misis ni Albert Martinez.
agamuhlach317
“You started it all for us. You have taught me so much in life. You were an inspiration. You treated me like your son. I’m at a loss for words. Go rest now. I know for sure that you are the happiest right now for you are at peace and most specially, reunited with ate Liezl. My growing up years was spent with you, tita. All my weekends, summer vacations, our trips to Baguio, in tali, in the states. Lahat na… Huling paalam, tita. Rest In Peace. You are with our creator now. Rest in HIS embrace. My dad, my mom, you ( my 2nd mom, ate liezl who’s always been a sister to me. I miss you all. I will miss you all forever.”
Niño Muhlach
“Rest in Peace Tita Nena We will miss you!”
Alyanna Martinez
“It is with great sadness that I together with my siblings Alfonso and Alissa, inform you that our Grandmother, Amalia Amador Muhlach has taken her last breath this morning in the Philippines.”