-- Advertisements --
Tinanggihan ni Aga Muhlach na makasama sa online concert ni Lea Salonga.
Ito ay matapos ang hiling ng mga fans ng dalawang dating magka-loveteam.
Ayon sa 50-anyos na walang aasahan ang mga fans sa concert ng 49-anyos na international singer.
Nakatakda kasing magsagawa ng pangalawang online concert si Lea bilang bahagi ng Bayanihan Musikahan Facebook live concert sa Mayo 29.
Ang mga donasyon na malilikom sa concert ay ibibigay sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Noong Abril 3 sa unang concert ng singer ay nakalikom ito ng mahigit na P1.7 million na donasyon.
Ilan sa mga makakasama ng singer sa darating na online concert nito ay sina Erik Santos at Ice Seguerra.