-- Advertisements --

Ang makalaya lamang mula sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ni Vice President Sara Duterte sa ika-80 kaarawan ng amang si dating pangulong Rodrigo Duterte.

Nanawagan ito sa publiko na huwag kalimutang ipagdasal ang dating pangulo na mabigyan ng magadang kalusugan at mahabang buhay.

Mahalaga rin na ipagdasal ang agarang paglaya ng dating pangulo.

Magugunitang nasa kustodiya ng ICC ang dating pangulo dahil sa nahaharap ito sa kasong crime against humanity dahil sa kampanya nito laban sa iligal na droga sa kaniyang termino.