-- Advertisements --

Binigyang-diin ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan kung bakit dapat na agad aksyunan ang isang impeachment case.

Ayon kay Libanan, miyembro ng 11-man House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ang agarang paglilitis ay kailangan dahil sa iba’t ibang dahilan.

Kabilang dito ay upang maiwasan na mayroong manghimasok sa  proseso.

Binigyang-diin ni Libanan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng halimbawa upang pigilan ang maling gawain ng matataas na opisyal ng gobyerno sa hinaharap.

Si Libanan, na isang abugado, ay dating chairman ng House Committee on Justice.

Ginawa ni Libanan ang pahayag kasunod ng muling pagtitiyak ni Speaker Martin Romualdez sa kahandaan ng House prosecution panel sa isasagawang impeachment trial ng Bise Presidente.