Iginiit ng isang House impeachment prosecutor na ang mandato ng Senado na agad aksyunan ang Articles of Impeachment na inihain ng Kamara de Representantes at litisin si Vice President Sara Duterte ay nanggaling hindi lamang sa Konstitusyon kundi sa mamamayang Pilipino.
Ginawa ni Manila Rep. Joel Chua, isa sa 11-man House prosecution team at chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Naniniwala si Chua na kakailanganin pang magpatawag ng special session si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mabalangkas ng Senado ang impeachment court at maaaring simulan na nito kaagad ang paglilitis kay Duterte.
Inirerespeto naman umano ni Chua ang opinyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ang aktwal na impeachment trial ay maaaring magsimula sa pagbubukas ng 20th Congress sa Hulyo.
Sinabi n Chua na hindi siya naniniwala na kailangan pa ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr a magpatawag ng special session para makagalaw ang senado sa impeachment case laban kay VP Sara.
Muli ring iginiit ni Chua ang nakalagay sa Konstitusyon na dapat agaran ang maging aksyon ng Senado sa impeachment case.
Dumepensa rin si Chua sa pahayag ni Escudero na binitin ng Kamara ang tatlong impeachment complaint ng dalawang buwan at ngayon ay minamadali ng mga kongresista ang Senado na aksyunan ito.
Paliwanag ni Chua na agad na nai-akyat sa Senado ang Articles of Impeachment dahil pirmado na ito ng 215 kongresista. Kung ang inendorso umano ng plenaryo ng Kamara ay ang tatlong naunang impeachment complaint ay magtatagal ito dahil daraan pa sa paglilitis ng House Justice committee.
Kung mahina umano ang kasong isasampa ng Kamara, malamang ay ibasura lamang ito ng Senado.
Ayon kay Chua, ang unang impeachment complaint na inihain sa Kamara ay mayroong 23 alegasyon laban sa Ikalawang Pangulo.
Kaugnay ng sinabi ni Escudero na paghandaan na lamang ng Kamara ang paglilitis sa halip na magreklamo, sagot ni Chua, “Well sa ngayon po ‘yung ginagawa po natin, naghahanda rin po kami at hindi naman po kami gigil, kami lang po ay sinasabi lang po namin kung ano po yung nasa Constitution.”
Sa pahayag naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel lll na kaya ng senado na simulan ang impeachment trial sa susunod na buwan sa halip na sa Hulyo.
Ayon kay Chua nagulat siya at iba pang kongresista sa naging aksyon ni VP Duterte na maghain ng petisyon sa Korte Suprema upang pigilan ang Senado na magsagawa ng impeachment trial.
Kumpiyansa naman si Chua na mababasura ang petisyon.