-- Advertisements --
oath taking of CJ Peralta
oath taking of CJ Peralta/ Sen. Bog Go image

Nais ngayon ni Supreme Court (SC) Chief Justice Diosdado Peralta nang mabilisang aksiyon sa pagpatay kay Regional Trial Court (RTC) Judge Mario Anacleto Bañez ng Tagudin, Ilocos Sur.

Ayon sa punong mahistrado, ipinag-utos na niya sa kinauukulan para agad imbestigahan ang aniya’y
atrocious at dastardly act na ikinamatay ng huwes.

Nais din niyang agad mahili ang mga suspek na may kagagawan sa krimen at kung ano ang motibo ng mga ito.

“On behalf of the Judiciary, I strongly condemn the killing of Regional Trial Court Judge Mario Anacleto Bañez of Tagudin, Ilocos Sur. I call on the law enforcement agencies to exert their best efforts and be relentless in their investigation for the immediate apprehension of those responsible for this atrocious and dastardly act. I also extend my deepest sympathies to the family of Judge Bañez,” ani Peralta.

Kasabay nito, nagpaabot na ng pakikiramay si Peralta sa pamilya ni Bañez na pinagbabaril ng pinaniniwalaang riding in tandem suspects sa Barangay Mameltac, San Fernando City, La Union pasado alas-5:00 kahapon.