Nanawagan si Committee on Energy Senior Vice Chairman Albee Benitez sa mga power distribution utilities na magsagawa na ng bidding sa power demands sa lalong madaling panahon para maiwasan ang nagbabadyang power crisis sa bansa.
Ginawa ni Benitez ang panawagan na ito matapos maglabas ng desisyon ang Korte Suprema na ang lahat ng power supply agreements (PSAs) ng mga power utilities ay magiging subject na sa mandatory competetive selection process.
“The decision guarantees the protection of the interest of the consumers by preventing collusion between affiliated generation and distribution companies,†ani Benitez.
Napapanahon aniya ang ruling na ito ng Supreme Court sa gitna ng nagbabadyang power crisis sa Pilipinas dahil tumatanda na rin ang mga power generators na kasalukuyang ginagamit.
Sinabi ng kongresista na obligasyon ng Energy Regulatory Commission at ng mga distribution companies sa publiko na agad magsagawa ng bidding dahil na rin sa mataas na power demands.
Kaya naman hihimukin daw niya si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magpatawag ng meeting sa ERC at power utilites para matiyak ang swift implementation ng bidding.