
Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos ang Philippine National Police na aagd na arestuhin ang mga suspek sa pananambang at pamamaslang sa radio broadcaster na si Cris Bunduquin sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Abalos, agad niyang tiwagan ng pansin si PNP Chief PGen Benjamin Acorda Jr. upang agad na makipag-ugnayan sa Police Regional Office Mimaropa chief PBGEN Joel Doria.
Aniya, dapat ding agad na alamin ng mga otoridad ang motibo sa likod ng nasabing krimen at kung ito ba ay mayroong kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang mamamahayag.
Kung maaalala, una nang sinabi ng Special Investigation Task Group Bunduquin na mayroon na silang person of interest sa kasong ito at kasalukuyan na nila itong bineberipika sa pamamagitan naman ng mga salaysay ng dalawang mga testigo sa naturang krimen.
Matatandaan na kinilala ng pulisya ang isa sa mga suspek na si Narciso Ignacio Guntan na nasawi rin matapos magtamo ng head injuries matapos mabangga ang motorsiklong minamaneho nito ng kotse ng humabol na anak ng biktima.