Ipinanawagan ni Finance Secretary Ralph Recto sa mga financial institutions partikular na sa World bank (WB) at International Monetary Fund ang agarang pagtulong nito sa mga developing countries para sa paglago ng mga ito.
Ang naturang pahayag ay ginawa ng kalihim kasabay ng kanyang pagdalo at pagharap sa Intergovernmental Group of Twenty-Four o G-24 bilang chair ng Board of Governors kamakailan.
Ayon kay Sec. Recto malaki ang maitutulong kung paiigtingin ng World bank (WB) at International Monetary Fund ang kanilang mga hakbang na maasistehan ang developing countries.
Kabilang na rito ang pagtugon sa kanilang mga kinahaharap sa paglago lalo na pagdating sa short-term liquidity at affordable long-term financing solutions.
Batay sa datos, isa sa apat na bansa ang naghihirap pa rin matapos ang nagdaang pandemya at walang humpay na global economic slowdown.
Punto pa ni Recto na kailangan na ang innovative at responsive financing solutions na siya namang makatutulong sa bansang ito na malagpasan ang mga hamon.
Tulad na lamang ng replenishment, mas mabilis na disbursement, at efficient delivery ng International Development Association.