Nakatakdang magpulong mamayang hapon ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga Metro Manila health officials para pag-usapan ang magiging restrictions ng mga menor de edad na papapasukin sa mga mall.
Nag-ugat ang nakatakdang pagpupulong ng mga health officials sa pagpositibo ng isang dalawang taong gulang na batang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos itong ipasyal ng kanyang mga magulang sa mall.
Dahil dito, hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa mga magulang na huwag munang ipasyal ang kanilang mga menor de edad sa mga mall para hindi ma-expose sa COVID-19.
Ayon kay Abalos, ipipisinta raw ng TWG ang kanilang rekomendasyon sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR) para sa kanilang approval.
Umaasa ang mga itong matatapos nila ngayong araw ang kanilang pagpupulong para bukas ay ipiprisinta na ito sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR).
Target daw ng mga alkalde na magkaroon ng uniform ordinansa.
Una rito, sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, ipinag-utos na nito sa local government units na bumalangkas ng isang ordinasa para payagang pumasok ang mga 12-anyos pataas lamang na pumasok sa mga mall.