Inamin ng agency ni Kim Soo-hyun na Gold Medalist, nitong Biyernes na nakipagrelasyon si Kim Soo-hyun sa yumaong aktres na si Kim Sae-ron, ngunit nilinaw ng agency na nagsimula lamang ang kanilang relasyon nang maging legal na adults si Sae-ron.
Ang pahayag ng agency ay kasabay ng lumalalang mga akusasyon at kontrobersiya tungkol sa pribadong buhay ni Soo-hyun, lalo na’t inuugnay ang aktor sa pagkamatay ni Sae-ron.
Ayon pa sa Gold Medalist na ang dalawang Korean celebrity ay nagsimulang magkaroon ng relasyon noong 2019, matapos mag-19 taong gulang si Sae-ron at tumagal ang relasyon ng isang taon.
Taliwas ito sa naunang mga pahayag ng agency na itinanggi ang anumang relasyon ng dalawang korean actor.
Dapat sana ay maglalabas ng pahayag ang ahensya para depensahan si Soo-hyun sa susunod na linggo, ngunit pinabilis nila ito matapos magpakita ang aktor ng mga palatandaan ng “pagkabalisa.”
Nagsimula ang kontrobersiya nang ilabas ang pakikipag relasyon ni Soo-hyun kay Sae-ron sa social media ng isang media company noong siya ay 15 taong gulang pa lamang.
Ang inilabas na video ay nag dulot ng public outcry kung saan may ilang mga brand na nagsimulang bawiin na ang kanilang mga commercial kasama si Soo-hyun, habang nabawasan naman ang kanyang proyekto sa mga programa ng variety show.
Sinabi naman ng Gold Medalist na pinilit ni Soo-hyun si Sae-ron na bayaran ang mga utang na kanyang naipon mula sa nangyaring insidente noong 2022 kung saan ay nakabangga ito.
Itinanggi ng ahensya ang mga paratang, at sinabi nitong nakipag-ayos sila kay Sae-ron upang mabawasan ang utang nito mula sa 1.014 billion won hanggang 700 million won, at inako nila ang natitirang utang.
Pinuna rin ng Gold Medalist ang kumpanya na naglabas umano ng maling impormasyon at tinanong din ng mga ito kung bakit inilabas ang mga pribadong bagay nang ‘walang pahintulot.